Pagbalik, "Oy, alam mo ba si... Blah Blah Blah." Daily conversation ng mga estudyanteng walang gana sa pagsagap ng bagong kaalaman na tutulong sa kanila "in the future".
Daily tasks: Isang oras o tatlumpung minuto bago ang klase, papasok ang mga magkakabarkada para makapag"bonding" ng maaga. Ayos na sana iyon dahil wala pa namang klase. Then, nandito na si Ma'am/Sir. Start na ng klase. At dahil mabait ang titser, nagreresulta sa alive na klase in a negative way. Hindi recitation noise, hindi open forum noise, hindi study noise kundi kanya-kanyang noise. Grupo-grupo, partner-partner at ang malala mag-isang nagsasalita kausap ang kabilang linya (cellphone).
Dako tayo sa mga guro na mahahaba ang pisi o kaya mabait. Gamit nila ang buong araw kaya sigurado pagod sila na madalas mahina na ang boses nila at hindi na sila nakatayo kapag nagtuturo, alam mo na mangyayari sa mga bored na estudyante.
- Nagvavandal.
- Nagdodrowing (kasi kung gumuguhit masyadong mabait ang dating)
- Naglalaro sa cellphone.
- Nagpipicture taking. WITH FLASH. (wagas ang kawalanghiyaan.)
- Nagtetext.
- Kumakain tapos nagkakalat.
- Nagdadaldalan.
- Ika nga "Less talk, less mistake." 'wag lang sobra. Natutulog.
Meanwhile in Parallel universe, nakayukong natutulog ang guro habang sinesermunan ng mga estudyante na SAYANG ANG IBINABAYAD NAMING TUITION!!!!
Last paragraph:
To all students, may latoy man o wala ang discussion, tumahimik kayo dahil ang taong may pinag-aralan marunong makinig. Ayaw mong mabastos, 'wag ka ring bastos kung may nagsasalita. OK? Good.
To all teachers, kung ayaw madaan sa santong dasalan ang mga estudyante ninyo, idaan ninyo na lang sa santong paspasan.
-yun lamang po.
-CorningEmo ['=']
No comments:
Post a Comment