Makuntento ka!

Isang tuyo ang ulam at sumigaw ka, tuoy nanaman?!
Paano kung tuyo ang may ulam na tao, tao nanaman?!
-from our seminar in world trade center

Wednesday, April 3, 2013

Simple yet. . . Beautiful

(Ngayon lang uli nakapagblog kasi adik sa laro at "minsan" tipid-tipid in sa kuryente.)

And then... "Simple yet Beautiful" ang pamagat pero baka hindi relate ang ipaglalagay ko. Marami na rin kasing diskusyon sa utak ko kapag nag-iisa ako o kaya kapag may ginagawa (ganun din). Eto mas madali kung inunumero ko mga idea ko kesa yung tuluy-tuloy.


  1. SYB. Kung positive thinker ka lahat ng simpleng mararanasan mo ay magiging astig o maganda sa'yo. Tulad ko may panahon na positibo akong mag-isip lalo na in case of emerdyensi. Like this, noong 2nd year highschool ako eh.. COCC ako at pinagDUTY sa malapit sa CR noong pa-contest ng school namin. Lahat ng dumadaan doon ay kinukutya ako kasi di ako nakakpanood sa labas at mabaho ang binabantayan ko. Hindi ako nainis imbis kinuha ko yung "tickler" ko at binasa lahat ng nakasulat. Kada basa, ineelaborate ko sa sarili ko. In short for average person boring yun pero napaenjoy mo ang atmosphere. :)
  2. GIRLFRIEND. Eto ewan ko lang kung makakarelate to sa topic. Ala pa akong GF. Ayokong manligaw kahit kaya kong manligaw. alam ko na kasi mangyayari kapag may GF man ako lalo na sa ugali ko. "Hindi ako malambing" - eto yung pinakarequired. Pero minor lang o mababaw lang ang pagiging sweet dahil mas malalim ang LOYALTY at hindi pagsisinungaling ng lalaki. Ang ginagawa ko lang kinakaibigan ko then ayun kaibigan lang, siyempre may tuksuhan diyan na, "Oy. ligawan mo na." tugon ko ay "no, but thanks." Reason: Ayoko pa muna ng Obligasyon." Iyun-'yon. Kilala sa lahat na nag babae ay hindi "meanie." Example: Don't worry, I'm okay." Si Tangang lalaki naman sumunod at naniwala. And.... FIGHT! Umpisa na ng LQ. Common problem na yan eh. Masasabing Forever Alone ako in realism but not Religiously. Motto ko nga eh, in case of challenges is "God is with me." At pagdating naman sa pampaalis ng lumbay ay papel at lapis o kaya computer (sayang kuryente) o kaya cellphone (virtual daldalan) o kaya tissue paper :ifyouknowwhatimean:                                           ] Kapag naramdaman ko na talaga yung tinatawag na love saka lang ako gagawa ng hakbang. [End] eto muna greaders.
.
.
.
['=']

Monday, October 15, 2012

Hindi masamang maniwala sa aswang.

As the title said. Hindi masamang maniwala, pangontra ko ito sa mga taong gustong makakita at ayaw maniwala.

Taong dalawang libo't labindalawa, latest ngayong Oktubre ang "aswang" dito lang sa Pinas ewan ko lang sa ibang bansa. Palabas kasi ngayon ang 
"TikTik: The Aswang Chronicles".

Well let's get to the topic. May ise share ako sa inyong maikling kwento tungkol sa aswang

Where: Sabang, Iriga City, Camarines Sur, Bicol.
Kamag-anak namin sa side ng nanay ko.

            Pauwi na si Manoy (Bicol word for Kuya), gabi. Nagmamadali na siyang umuwi dahil at that time sinusundan na siya ng malaking ibon pero hindi talaga ibon. Dinig na dinig ni Manoy ang pagaspas ng pakpak at nang pagpasok niya ng bahay nila may kumalabog sa bubong nila. -The End.

Ikli no? Don't worry meron pa, bukas naman. Good night.

Thursday, September 20, 2012

Walang Gana

                                      "Walang kagana-gana, tara C.R. tayo." Limang minutong nag-C.R. 
Pagbalik, "Oy, alam mo ba si... Blah Blah Blah." Daily conversation ng mga estudyanteng walang gana sa pagsagap ng bagong kaalaman na tutulong sa kanila "in the future".

   Daily tasks: Isang oras o tatlumpung minuto bago ang klase, papasok ang mga magkakabarkada para makapag"bonding" ng maaga. Ayos na sana iyon dahil wala pa namang klase. Then, nandito na si Ma'am/Sir. Start na ng klase. At dahil mabait ang titser, nagreresulta sa alive na klase in a negative way. Hindi recitation noise, hindi open forum noise, hindi study noise kundi kanya-kanyang noise. Grupo-grupo, partner-partner at ang malala mag-isang nagsasalita kausap ang kabilang linya (cellphone). 
    Dako tayo sa mga guro na mahahaba ang pisi o kaya mabait. Gamit nila ang buong araw kaya sigurado pagod sila na madalas mahina na ang boses nila at hindi na sila nakatayo kapag nagtuturo, alam mo na mangyayari sa mga bored na estudyante.
  • Nagvavandal.
  • Nagdodrowing (kasi kung gumuguhit masyadong mabait ang dating)
  • Naglalaro sa cellphone.
  • Nagpipicture taking. WITH FLASH. (wagas ang kawalanghiyaan.)
  • Nagtetext.
  • Kumakain tapos nagkakalat.
  • Nagdadaldalan.
  • Ika nga "Less talk, less mistake." 'wag lang sobra. Natutulog.
                          Meanwhile in Parallel universe, nakayukong natutulog ang guro habang sinesermunan ng mga estudyante na SAYANG ANG IBINABAYAD NAMING TUITION!!!!

Last paragraph:
  To all students, may latoy man o wala ang discussion, tumahimik kayo dahil ang taong may pinag-aralan marunong makinig. Ayaw mong mabastos, 'wag ka ring bastos kung may nagsasalita. OK? Good.
  To all teachers, kung ayaw madaan sa santong dasalan ang mga estudyante ninyo, idaan ninyo na lang sa santong paspasan.


-yun lamang po.
-CorningEmo ['=']

Monday, July 30, 2012

Ulap, Ulap.


Ulap, Ulap na ngayon ko lang inupload pero matatagal na'to. Yung sa taas mukang taho.